-- Advertisements --
Naniniwala si House Deputy Speaker Rufus Rodriguez na ang regular na pagpapatrolya ng US freedom of navigation (FON) operations sa South China Sea kabilang ang West Philippine Sea ay makakatulong kung mayroong ginagawang pananakop ang China sa lugar.
Ang pahayag ni Rodriguez ay may kaugnayan sa pagpasok ng Theodore Roosevelt Carrier Strike Group (TRCSG) ng US Navy sa South China Sea noong Abil 4 para magsagawa ng routine operations.
Dagdag pa nito, dapat dalasan ng US Navy ang pagpapatrolya para makita nila ang ginagawang pag-agaw ng China sa karagatang nasasakupan ng Pilipinas.
Magugunitang naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China makaraang makita ang mahigit 200 barkong pangisda ng China sa Julian Felipe Reef.