-- Advertisements --

Nagpagalit sa mga kaalyado ni US President-elect Donald Trump ang pagpayag ni US President Joe Biden sa Ukraine na gamitin ang long-range missiles sa pag-atake nito sa Russia.

Bagamat hindi naman nagbigay ng komento mismo si Trump kaugnay sa naturang isyu, matatandaan na isa sa nagpanalo sa kaniya sa halalan ang kaniyang ipinangakong wawaksan niya ang giyera.

Ilan nga sa mga malapit kay Trump ang komondena sa naturang hakbang ni Biden na tinawag bilang “dangerous escalation”.

Isa na dito si Donald Trump Jr., ang panganay na anak ng US President-elect kung saan inakusahan niya si Biden na tinatangka umanong matuloy ang World War 3 bago pa man maupo sa kapangyarihan ang kaniyang ama.

Samantala, ang desisyon ni Biden ay hindi pa pormal na kinukumpirma ng White House bagamat una ng lumabas sa mga report na kinumpirma ito ng US officials na pamilyar o may nalalaman sa naging desisyon ni Biden.