KORONADAL CITY – Iginiit ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate na ipinapakita lamang ni President Duterte na isinuko nito ang soverign rights ng mga Pilipinas sa China.
Ito’y matapos ang naging pahayag ng Presidente na wala raw problmea kung mangisda ang mga mangingisdang Tsino sa bahagi ng West Philipiine Sea na sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ).
Ayon kay Zarate, ang EEZ ay mayroon nang desisyon sa International Tribunal On Law of the Sea na bahagi ito sa teritoryo ng Pilipinas.
Inihayag din nito na base sa Konstitusyon ng bansa, trabaho na gobyerno na protektahan ang EEZ kung saan tinawag din nito paglabag sa Konstitusyon ang naging pahayag ng Pangulong Duterte.
Tinawag din nito na “maritime militia” ang mga mangingisda ng China dahil inarmasan umano ito ng gobyerno ng China para protektahan ang interes ng nasabing bansa.