-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Binawi ni Bukidnon Govenor Jose Ma. Zubiri Jr. ang kautusan nitong ipagbawal sa mga rice producer, trader, at supplier ang pagbebenta ng bigas sa labas ng Bukidnon.

Sinabi ni Bukidnon provincial government spokesperson Hansel Echavez na kaya lamang ginawa ng gobernador ang kautusan dahil sa kagustuhan nitong makalikom ng 100,000 na sakong bigas para ipamigay sa kanilang mga residente na apektado ng krisis dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Aniya, agad namang binawi ni Zubiri ang utos matapos maabot ang naturang dami ng bigas.

Ayon naman kay Department of Agriculture (DA)-10 Director Carlene Collado na marami sana ang maapektuhan sa naturang kautusan.

Pinasasalamatan naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG)-10 Director Arnel Agabe ang pagbawi ni Zubiri sa kautusan.

Ang Bukidnon ay isa sa pinakamalaking supplier ng bigas sa buong Northern Mindanao.