-- Advertisements --

Itinakda ng National Board of Directors ng Liberal Party sa Marso 9 ang pagpipili ng bagong Prime Minister ng Canada.

Ang nasabig anunsiyo ay ilang araw matapos ang pagbibitiw ni Prime Minister Justin Trudeau.

Ayon sa pahayag ng partido, nagpasya sila na isasagawa ang nasabing pagpili ng bagong lider na isasabak sa halalan.

Isasagawa ang botohan at sa araw din iyon ay malalaman ang resulta.

Gagawin naman ng hanggang Enero 27 ang pagpaparehistro ng eligible na Liberal member na nais na tumakbo.

Magbabayad ito nais na sumali ng $243,000 para makalahok sa pagka-Prime Minister.

Gaganapin ang halalan sa Canada sa Oktubre 20, 2025.