-- Advertisements --

Binulabog ngayon ang libu-libong mga fans ng football sa France matapos mapabalitang darating doon ang isa sa itinuturing na football great ng mundo na si Lionel Messi.

Lumutang na rin ang impormasyon na nakatakdang pumirma si Messi ng dalawang taon na kontrata sa Paris Saint-Germain (PSG).

Ito ang hudyat nang tuluyan na niyang pagkalas sa matagal na niyang team na Barcelona.

Inabot din ng mahigit sa 20 taon ang makasaysayang career ni Messi sa Barcelona na nabigyan niya ng apat na Champions League titles at 10 La Liga titles.

Nabulgar naman na problema sa pinansyal kaya sya pinakawalan ng team.

Sinasabing aabot umano sa $672 million ang sweldo ni Messi kaya naman itinuturing sya bilang highest paid athlete sa sports history.