-- Advertisements --

ILOILO CITY – Malaking tulong umano ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging batas ang pagdagdag ng bed capacity sa Sub National Laboratory sa Western Visayas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Lone District Representative Jamjam Baronda, sinabi nito na isa ang RA 11496 sa pitong local hospital bills na naglalayong mapabuti ang delivery ng health care services sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Baronda, ang nasabing batas ay malaking tulong upang madagdagan ang mga medical personnel at equipment na ilan sa mga dahilan ng mabagal na pagpapalabas ng resulta ng RT-PCR test.

Umaasa naman ang kongresista na mapabilis ang paglabas ng pondo hinggil dito.