-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Finance na nakatakdang pirmahan ng Pilipinas ang isang kasunduan kasama ang bansang Cambodia para sa double taxation.
Ayon sa ahensya, nilalayon ng kasunduan na mabawasan ang pasanin sa pagbubuwis ng mga negosyo na nag-ooperate sa dalawang bansa.
Makakatulong rin ito upang matanggal ang mga barrier na may kinalaman sa pamumuhunan at kalakalan.
Sinabi ng ahensya na pipirmahan ng Pilipinas at Cambodia ang Double Taxation Agreement sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon.
Sakop nito ang mga usapin sa pagbubuwis sa kita ng mga residente ng dalawang bansa.