-- Advertisements --

Dismayado ang Brazil sa pagtrato ng Estados Unidos sa mga ilegal immigrants nito partikular ang mga Brazilian na pinadeport pabalik ng Brazil kabilang na ang mga bata, na naka-posas umano. Pinuna ng mga awtoridad ang ginawang pagtrato sa mga ito at tinawag na “hayagang paglabag” sa mga karapatan ng kanilang mga mamamayan.

Ang insidente ay nangyari matapos humarap ang Latin America sa panibagong banta sa pagbabalik ni US President Donald Trump sa White House, na may mahigpit na polisiya tungkol sa malawakang deportasyon para sa mga illegal immigrants sa US.

Mariin namang tinutulan ni Brazil Justice Minister Ricardo Lewandowski at Brazil President Luiz Inácio Lula da Silva, ang paglabag sa mga pangunahing karapatan ng mga Brazilian.

Ngunit di umano ang mga pinadeport ayon sa US ay ‘walang kaugnayan sa bagong executive order ni Trump kundi bunga lang umano ito ng isang bilateral na kasunduan ng US at Brazil noong 2017.

Ang flight kasi ay nakatakda sanang magtungo sa Belo Horizonte sa Brazil ngunit napilitang dumaan sa Manaus dahil sa naranasang technical isssues.

Sa ulat naman ng Brazil federal police, mayroong 88 Brazilian na lulan ng naturang eroplano, ngunit sa ulat ng government of Amazonas state, kung saan matatagpuan ang Manaus, mayroon daw na 79 na pasahero ang eroplano kung saan 62 dito ay mga kalalakihan habang 11 naman dito ay puro kababaihan, at 6 na bata.

Bilang tugon, iniutos ni Brazil President Lula ang pagpapadala ng Brazilian Air Force upang matiyak na makararating nang ligtas at may dignidad ang mga na deport na Brazilian sa kanilang huling destinasyon.

Ang pagdating ng flight ay naganap kasabay ng mahigpit na hakbang ni Trump laban sa mga ilegal immigration, na kinabibilangan pa ng pagpapadala ng karagdagang tropa nito sa southern border ng US.

Kaugnay pa nito ang pagpapadala ng mga military aircraft para sa mga repatriation flights.