NAGA CITY – Mahigpit umanong ipinagbabawal sa ngayon ng isang Airline Company ang pagpopost ng anumang kumento o larawan sa social media patungkol sa nangyayaring kilos protesta sa Hongkong.
Sinabi Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, nabatid na lima sa mga staff ng Cathay Pacific Airlines ang natanggal sa trabaho matapos umanong magpost patungkol sa naturang rally habang nagkomento naman ang isang piloto sa naturang mga social media post.
Maliban dito, ang mga airlines na bumabyahe sa bansang China ay binigyan na ng warning kung hindi sumasang-ayon ang mga staff sa kontrobersya sa pagpapatupad ng Extraditon Bill sa bansa.
Kung maaalala, noong nakaraang araw nang naging mainit ang kilos protesta matapos magkasagupa ang mga raliyista at mga riot squad sa bansa.
Samantala, wala pa umanong eksatong panahon kung kailan mangyayari ang inaasahang dayalogo sa pagitan ng mga protestersat Chief Executive Carrie Lam.