Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte sa plano nitong bigyang prayoridad sa bakuna laban sa COVID-19 ang mga sundalo at pulis.
Sinabi ni Pangulong Duterte, kailangan niya kasi ang malusog na pulis at sundalo para mangasiwa sa vaccination program.
Ayon kay Pangulong Duterte, kapag nagkasakit ang mga sundalo at pulis, wala na siyang mauutusan.
Halimbawa na lamang umano ang mga nagdaang bagyong Rolly at Ulysses kung saan ang mga sundalo at pulis ang unang rumesponde sa mga kalamidad.
Kaya pakiusap ni Pangulong Duterte sa publiko, huwag nang maging pasaway at sa halip tumulong sa mga sundalo at pulis sa pagpapanatili sa peace and order sa komunidad.
“Pati ‘yung military kasi I need a healthy military and police kasi ‘pag magkasakit lahat ‘yan, wala na akong maasahan, wala na tayong mautusan kung gawin ‘to, gawin doon. As I have said, try to understand the police and the military. They are really the errand boy of the Republic. Kita naman ninyo ‘yung baha sa Luzon, several, nakita ninyo ‘yung military, Coast Guard, lahat na pumupunta na doon, pulis. And then they have to take care of the law and order situation,” ani Pangulong Duterte.