BAGUIO CITY – Minimithi ng National Commision on Culture and the Arts (NCCA) na mapreserba ang traditional arts sa lalawigan ng Benguet sa pamamagitan ng nagpapatuloy na Schools of Living Traditions (SLT).
Ayon kay Eleazar Carias mula sa Benguet Tourism Office, mayroong programa para sa traditonal cuisines at musical instruments bilang bahagi ng SLT Program.
Ipinaliwanag niya na ito na ang ikatlong pagkakataon ng pagsasagawa ng programa sa Benguet kung saan iminungkahi ang paggawa ng tradisyonal na kiniing bilang bersyon ng Cordillera Administrative Region sa naipreserba at pinausukang karne.
Puntiria pa ng NCCA ang pagsasagawa ng buko making sa bayan ng Kapangan, Benguet para mapanatili ang mga indigenous foods hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong rehiyon ng Cordillera at sa buong bansa.