-- Advertisements --

airline

Inirekumenda sa Inter-Agency Task Force (IATF) na kailangan nang magsumite ng medical certificate ang lahat ng domestic airline passengers.

Ang nasabing rekumendasyon ay iprinisinta sa isang online consultative dialogue ng mga airline industry stakeholders kay PNP Deputy Chief of Operations at Joint Task Force Covid Shield Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar para iendorso sa IATF.

Ayon kay Eleazar, napagkasunduan sa konsultasyon na I-require ang lahat ng domestic passengers na magprisinta ng medical certificate bago makasakay sa eroplano, bilang proteksyon sa lahat ng mga pasahero partikular yung mga kinailangang kumuha ng travel authority para maka-lipad.

Paliwanag ni Eleazar, yung mga may travel authority ay ni-require din kasi na magprisinta ng medical certificate bago isyuhan ng travel authority.

Sa kasalukuyan, ang mga APOR o Authorized persons outside of Residence ay tanging ID Lang ang kailangang ipakita para patunayan na work-related ang kanilang pag-biyahe.

Sinabi ni Eleazar na ang pag-require ng medical certificate sa lahat ng pasahero kabilang ang APOR ay makakatulong din na mabigyan ng peace of mind ang mga LGU na pupuntahan ng mga pasahero na sila ay Covid-free.