-- Advertisements --

Kinumpirma ni Atty. Frances Arabe, Director III ng Commission on Elections (Comelec) Education and Information Department na hindi tuloy ang proklamasyon ng mga nanalong senador at partylist representative ngayong araw ng Linggo.

Aniya, hindi pa raw kasi handa ang Comelec dahil may ilan pang certificate of canvass (CoC) na hindi nakakarating sa Comelec Command Center.

Kapag natapos naman ang canvassing ngayon ay alanganin pa rin ang proclamation sa Lunes dahil kailangan pa nilang ihanda ang venue.

Aniya, plano nilang isang araw lamang ang pagsasagawa ng proclamation at mauuna ang partylist representative sa umaga habang ang mga senador naman sa hapon.

Gaya nang nauna nang sinabi ng Comelec, minsanan ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa national level.