Maaari na ngayong iproseso ng mga Filipino seafarer ang halos lahat ng kanilang mga kinakailangang dokumento sa muling pagsakay sa barko.
Ito ay matapos na pormal na ilunsad ngayong araw ang e-Sea app na naglalayong i-streamline ang mahahalagang seafaring paperwork sa pamamagitan ng paglipat nito sa isang digital platform.
Ang naturang aplikasyon ay consolidated project ng Associated Marine Officers at Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP) at United Training Services (UTS).
Gawa rin itong pinoy kayat walang problema sa kalidad at performance nito.
Layon ng hakbang na ito na baguhin kung paano pinamamahalaan ng mga seafarer ang kanilang mga karera at papeles nang walang bayad.
Ayon sa founder at chief executive officer ng UTS na si Jan Hart , tinutulungan ng kanilang aplikasyon ang isang karaniwang hamon na kinakaharap ng mga Filipino seafarer.
Kabilang na dito ang pagkuha ng sertipiko, pasaporte, payroll, at mga travel documents.