CAGAYAN DE ORO CITY-Mas pinaigting pa ng PNP at AFP ang kanilang operasyon laban sa teroristang AbuSayyaf dito sa Mindanao.
Inihayag ito ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa kanyang pagbisita sa headquarters ng PNP region 10 kung saan kaniyang pinangunahan ang blessing ng St Ignatius de Loyola Chapel sa Kampo Alagar.
Ayon kay Albayalde, inutos ni Pang. Duterte na pulbusin ang mga teroristang grupo lalong lalo na ang bandidong Abusayyaf.
Hindi na umano papayag ang Pang. Duterte na ma-uulit pa ang mga pamomomba sa Mindanao, tulad ng nangyaring pagpasabog sa kampo ng militar sa Indanan, Sulu na ikanasawi ng walo ka tao.
Aniya, ito umano ang dahilan kung kaya’t kanilang pinalakas ang intelligence monitoring at gathering sa Mindanao sa tulong ng taong bayan.
Muling iginiit ng PNP chief na malaki ang maitulong ng mga sibilyan sa kanilang kampaniya laban sa mga teroristang grupo.