-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 21 09 14 25
VP Leni and Pres. Duterte

CAGAYAN DE ORO CITY- Kinatigan ng political analyst na si Ramon Casiple ang matapang na pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na itinutuon kay Vice President Leni Robredo bilang bagong talaga na drug czar sa bansa.

Sa pananaw ni Casiple, hindi nagustuhan ni Duterte ang mga napag-usapan sa loob ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na inilabas ni Robredo kaya nabanggit nito na nawalan ito ng tiwala.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Duterte na tama lamang na pinuna nito ang bise-presidente upang malimitahan ang maaring ilalabas na mga usapin lalo pa’t napaka-seryoso na usapin ang anti-illegal drugs war sa bansa.

Inihayag ni Casiple na kailangang maingat si Robredo sa kanyang pagpapatupad ng trabaho dahil nakasalalay sa ‘trust and confidence’ basis ng appointing authority ang pagdating nito sa ICAD.

Una nang iminungkahi ng kilalang political anaylst na dapat makipag-usap na si Robredo sa pangulo para alam nito hanggang saan ang lawak ng kanyang trabahuin bilang drug czar sa bansa.