Patuloy ang mga isinasagawang koordinasyon, pagpupulong, at pagsasapinal ng paglaan ng pondo ng pamahalaan para sa mga programa ng Department of Social Welfare and Development sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) katuwang ang Department of Budget and Management.
Magsisilbing pangunahing pondo ito ng BARMM sa mga programa na nakalaan para sa mga maralita at mga nangangailangan na pamilya sa rehiyon tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Sustainable Livelihood Program (SLP), Supplementary Feeding Program (SFL), Social Pension Program, disaster response operations, at iba pa.
Ayon sa DBM, direkta na ibibigay sa Ministry of Social Services and Development ng rehiyon ang pondo sa pamamagitan ng Office of the Chief Minister.