-- Advertisements --

Itinuturing ni US Secretary of State Antony Blinken na naging tapat ang ginawang pagpupulong nila ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov.

Sa ginawang pag-uusap sa Geneva, Switzerland ay natalakay ang ilang mga mahahalang usapin gaya ng tension ng Russia at Ukraine.

Inaasahan na maglalabas sa susunod na mga araw ang US ng kaniyang katayuan sa nasabing tensiyon.

Magugunitang umabot sa mahigit 100,000 libong mga sundalo ang inilagay ng Russia sa border nila ng Ukraine.

Nais kasing pigilan ng Russia ang Ukraine sa pagsali nito sa North Atlantic Treaty Organization.

Itinuturing kasi ng Russia na isang banta sa kanilang seguridad ang pagsuporta ng US sa ilang bansa sa Europa.

Mahigpit din na binalaan ng US ang Russia na gagawa sila ng hakbang kapag itinuloy ang pag-atake sa Ukraine.