DAVAO CITY – Naging mabunga umano ang muling pagpupulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at ni Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari.
Ginawa ang pagpupulong sa Matina Enclaves sa lungsod ng Davao.
Sinamahan si Pangulong Rodrigo Duterte ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sa naturang meeting kasama ang Peace Coordinating Committee ng Moro National Liberation Front at ng Philippine government dito sa lungsod ng Davao kahapon.
Dumalo rin sa nasabing pagpupulong ang mga miyembro sa GPH PCC Panel.
Muling inihayag ni Pangulong Duterte na nais niyang makamit na ang kapayapaan bago matapos ang kanyang termino, kaya ang nagkakaisa umano ang mga concerned government agencies upang makamit ang minimithing kapayapaan.
Ipinaabot din ng Pangulo kay Misuari ang kanyang pasasalamat dahil sa walang humpay na suporta nito sa pamahalaan, kasabay ng kasiguruhan sa commitment ng pamahalaan na makamit ang kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.