-- Advertisements --
image 419

Nagkaroon ng “constructive and fruitful” na talakayan ang mga senador ng Pilipinas at mga bumibisitang miyembro ng European Parliament sa iba’t ibang isyu sa karapatang pantao, lalo na ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y ibinahagi nina Senator Francis Tolentino at Hannah Neumann na pinuno ng delegasyon ng European Parliament, sa isang press conference pagkatapos ng pag-uusap sa pagitan ng mga miyembro ng Senate justice at human rights committee at ng mga miyembro ng European Parliament.

Ani Nuemann, napag-usapan din ang iba pang mga isyu ng karapatang pantao at sa tingin niya ay isang matagumpay na pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at naturang parliyamento.

Dagdag dito, sinabi ni Tolentino na napanatili nilang walang hurisdiksyon ang International Criminal Court sa Pilipinas at ipaliwanag ang panig ng bansa sa isyu ng Extra Judicial Killings o EJK.

Gayundin ang mga resolusyon na nagtatanggol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa prosekusyon ng International Criminal Court.

Sa kabila ng diyalogo, sinabi ni Neumann na ang European Parliament ay nagpapanatili ng suporta nito sa imbestigasyon ng International Criminal Court laban sa war on drugs.

Top