GENERAL SANTOS CITY – Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng General Santos City sa publiko na ipinagbabawal pa rin ang pagpupuslit ng karne at mga pork products dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF)
Kasunod ito ng serye ng pagkumpiska ng mga karne at pork products sa ASF Prevention Checkpoints na nasa entry at exit points sa lungsod.
Ayon kay Dr. Emil Gargaran, head ng Gensan City Veterinary Office, nasa 228 kilos karne at pork products na nagmula sa Davao City ang nakumpiska sa Tinagacan ASF Prevention Checkpoint habang nasa 13 kilos naman na pork products ang nakumpiska sa Apopong ASF Prevention Checkpoint.
Kaagad na sinunog ang mga nakumpiskang produkto bilang pag-iingat kontra sa ASF.
Giit ni Dr. Gargaran kinakailangang protektahan ang hog industry ng Gensan.