Pabor si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa planong pagrepaso ng food poor metrics na naging basehan ng inilaba ng NEDA na ₱64 food threshold.
Kabilang sa sasailalim sa pagsusuri ay ang komposisyon ng food basket na pinagbatayan ng naturang datos.
Ayon kay Gatchalian, marapat lamang na muling suriin ang naturang matrix dahil ito ay napapanahon.
Makakatulong rin ito para maging updated na ang batayan ng mga programa ng gobyerno para narin sa maayos na pagpapatupad ng programa para sa mahihirap.
Kinabibilangan ito ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program ng DSWD.
Isa itong flagship priority program ng DSWD na naglalayong wakasan ang involuntary hunger na nararanasan ng mga mahihirap.
Wala naman patid ang pagpapaabot food stamp ng DSWD habang target nito na maaabot ang isang milyong benepisyaryo pagsapit ng taong 2027.