-- Advertisements --

Welcome sa pamunuan ng Defense Department ang panukalang repasuhin ang pension system sa military and uniformed personnel.

Naniniwala kasi Defense Secretary Delfin Lorenzana na panahon na para rebisahin ang kasalukuyang pension system ng militar at uniformed personnel (MUP).

Binigyang diin ni Lorenzana na mahalagang masiguro na magtutuloy-tuloy ang pensyon ng mga retiradong MUP bilang pagkilala sa kanilang mga iniukol na taon ng matapat na pagseserbisyo.

Pero ayon sa kalihim, ang kasalukuyang systema ay hindi kayang masustine dahil ito ay umaasa sa subsidiya mula sa pambansang pamahalaan.

Kung magpapatuloy aniya ito ay magiging pabigat lang ito sa mga “taxpayers”.

Sinabi ng kalihim na kailangang rebisahin ang sistema para magkaroon ng self-sustaining fund na popondo sa pensyon ng mga MUP at mabawasan ang pinansyal na pabigat sa pambansang pamahalaan.

Kasalukuyan aniyang tinatalakay sa Kongresso ang usaping ito at tiniyak ni Lorenzana na makikipagtulungan ang DND at AFP upang masiguro na mapangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga retirees.