-- Advertisements --
Wala pa umano sa bokabolaryo ngayon ni Filipino mixed martial arts fighter Eduard Folayang ang pagreretiro.
Kasunod ito sa maraming mga panawagan na dapat magretiro na ang 36-anyos na Team Lakay member.
Sa huling apat kasi na laban nito ay isa lamang ang naipanalo.
Nakatakda namang makaharap nito si Antonio Caruso ng Australia para sa laban nila sa ONE: Inside the Matrix na gaganapin sa darating na Biyernes sa Singapore Indoor Stadium.
Ang Singapore ay makasaysayan para kay Folayang kung saan dito rin siya nagkampeon noon.
Ang nasabing laban ay dapat maipanalo niya.
Para sa Pinoy MMA legend, handa niyang patunayan na kaya pa nitong makipagsabayan sa mga mas bata at hindi pa ito magreretiro.