CAGAYAN DE ORO CITY – Tinawag na “honorable gesture” ang boluntaryo na pagbitiw sa puwesto ni Philippine Military Academy superintendent Lt Gen Ronnie Evangelista.
Ito ay makaraang tuluyang ibakante ni Evangelista ang kanyang puwesto upang bigyang daan ang imbestigasyon kaugnay sa nangyari na pagkasawi dahil sa hazing ni PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio sa Baguio City noong nakaraang linggo.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Cagayan de Oro 2nd District Rep Rufus Rodriguez na nararapat lamang ang ginawa ng heneral dahil hayagan naman na mayroong pagpapabaya sa loob ng PMA.
Inihayag ni Rodriguez na bagamat katangi-tangi ang desisyon ni Evangelista na umalis sa katungkulan para harapin ang anumang legal na pananagutan nito sa nangyari kay Dormitorio.
Kung maalala, mismong si Rodriguez ang nanawagan sa heneral na magbitiw habang inihain ang resolusyon sa Kamara upang maisagawa ang imbestigasyon ukol sa hazing incidents sa loob ng PMA.