-- Advertisements --
naia

Inaasahan ang potensyal na paglago ng turismo kapag isasapribado ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay sa kadahilanang mapapabuti nito ang karanasan sa paliparan ng mga turista.

Ayon kay Go Negosyo founder Joey Concepcion, natutuwa siyang sinuportahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang privatization ng NAIA.

Aniya, ang mga paliparan ay lumikha ng unang impresyon sa ating bansa, at dahil ang turismo ay isa sa mga pinakamalaking potensyal para sa pagpapalago ng ating ekonomiya, anumang pagpapabuti na gagawin dito ay magkakaroon ng napakaraming benepisyo.

Magugunitang sa isang pagdinig ng Senate public services committee sa Enero 1 airspace shutdown, kinumpirma ni Bautista na ang gobyerno ay nagpaplanong isapribado ang paliparan.

Idinagdag niya na ang gobyerno ay bukas sa solicited o unsolicited proposals kaugnay sa nasabing plano.

Ipinaliwanag ng transportation secretary na nalampasan na ng NAIA ang rate capacity nito at kailangang pagandahin at gawing moderno.