-- Advertisements --

Nakontrol na ang naganap na sunog sa Bonifacio Global City sa lungsod ng Taguig.

Base sa inisyal na imbestigasyon na tinamaan ng mga naghuhukay sa isang construction site ang gas pipe line na nagresulta sa pagsabog at sunog sa isang construction site.

Isang tao naman ang nasugatan sa sunog na naganap na sa 21st Drive ng BGC area Taguig.

Nagtamo ng third-degree burns sa kaniyang mukha at katawan ang 35-anyos na lalaki na agad namang dinala sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig.

Nangyari ang insidente pasado alas-siyete ng Miyerkules ng gabi at naapula ito matapos ang halos tatlong oras.

Aabot sa mahigit 200,000 ang damyos ng nasabing sunog.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang insidente.