-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 22 15 45 06

Patuloy na inaalam ng mga otoridad kung paano nakalusot sa New Bilibid Prison (NBP) ang improvised explosive device (IED) na sumabog dakong alas-10:00 nitong umaga ng Biyernes.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major Gen. Guillermo Eleazar, naganap ang pagsabog sa quadrant 4 ng NBP.

Wala namang nasugatan sa insidente dahil puro structures na lamang ang mga nasa lugar.

Lumalabas na mga miyembro ng Maute-ISIS Group, Abu Sayyaf Group, Rajah Solaiman Group, Jimaah Islamiya at Moro Islamic Liberation Front (MILF) at mga extremist group ang dating nakaditine sa pinangyarihan ng pagsabog.

Narekober din malapit sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang granada, at dalawang blasting caps at iba pang mga kontrabando.

Patuloy naman ang paghalughog ng explosive ordnance division sa lugar dahil posibleng masundan pa ang pagsabog.