-- Advertisements --

Ginulantang ng pagsabog ang military base sa Crimea sa Ukrainian peninsula.

Ayon kay Oleg Kruchkov ang regional adviser ng Moscow, na naganap ang pagsabog sa bayan ng Novofedorivka.

Napuno ng itim na usok ang airstrip sa nasabing lugar.

Paliwanag naman ng defense ministry ng Russia na pinasabog nila ang mga bala kaya nagkaroon ng bahagyang pagsabog.

Hindi rin aniya naapektuhan ang mga imbakan ng bala at armas sa nasabing lugar.

Nagpatupad naman si Russia-appointed Crimea head Sergei Aksyonov ng limang kilometrong pagbabawal na pagtungo sa lugar dahil sa ito ay delikado.

Ang Crimea ay itinuturing ng Russia na karugtong ng kanilang bansa noon pang 2014 na kinokondina ng mga bansa.