-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Ikinabigla ng ilang residente ang nangyaring pagsabog sa loob mismo ng compound ng Bicol University sa lungsod ng Legazpi.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Legazpi, nangyari ang insidente malapit lamang sa nakalatag na checkpoint ng kapulisan sa labas ng unibersidad.

Agad naman na rumespunde ang mga otoridad upang alamin kung anong klase ng pampasabog ang itinanim sa lugar at kung papaano ito naipasok sa unibersidad.

Ang Bicol University ay ilang metro lamang ang distansya sa Cam Simeon Ola sa lungsod ng Legazpi.

Inaalam pa ngayon kung sino ang responsable sa naturang insidente.

Dahil dito ay agad na hinigpitan ng mga otoridad ang pagbabantay sa naturang lugar lalo pa at maraming sasakyan ang dumadaan malapit dito.

Samantala, naitala ang naturang pagsabog ilang minuto lamang matapos maiulat ang nangyaring putukan sa Talahib sa bayan ng Daraga.