-- Advertisements --
raikoke 2

Takot ang naidudulot sa nakararami ng pagsabog ng isang bulkan ngunit naiiba ang remote volcano na matatagpuan sa Russia dahil ito umano ang responsable sa purple sunset na natutunghayan ngayon ng buong mundo.

Noong Hunyo nang magpakawala ang bulkang Raikoke ng aerosols sa kalawakan.

Ayon kay Lars Kalnajs, research associate sa University of Colorado, ang nasabing bulkan ang dahilan kung bakit nagiging kulay lila o purple ang kalangitan.

“It makes you realize that you don’t have to put a whole lot of aerosols into the stratosphere to change its composition,” saad ni Kalnajs. “This was a relatively small volcanic eruption, but it was enough to impact most of the northern hemisphere.”

Nabatid din ng mga researchers na ang lebel ng aerosol na ibinuga ng bulkan ay mas makapal ng 20 beses kumpara sa normal na thickness nito.

“It’s really important when major eruptions happen that we get data quickly. We need to figure out if this is going to be the kind of thing that impacts hundreds of thousands of people around the world, or is going to be to be more minor?,” dagdag pa ni Kalnajs.

Sa kabila nito, patunay lamang daw ang purple skies na kahit ang isang isolated na pagsabog ng bulkan ay may dulot na malaking epekto sa buong mundo.

“A really big eruption would have a major impact on humanity, so it’s something we need to be ready for,” ani Kalnajs.