Muling tiniyak ng Lebanon na hindi nila palalagpasin ang nangyaring panibagong pagsabog na ikinasawi ng 14 na tao at ikinasugat ng mahigit 450 iba pa.
Nangyari ang pagsabog ng two-way radio o walkie-talkie sa iba’t-ibang bahagi ng Lebanon.
Ang insidente ay isang araw matapos pagsabog ng mga pagers na ikinasawi ng halos 20 katao at ikinasugat ng mahigit 4,000 na iba pa.
Dahil sa insidente ay pinayuhan ng Lebanese government ang mga mamamayan nila iwasan ang paggamit ng anumang electronic communication device para hindi maulit ang nasabing insidente.
Malaking hinala ng mga otoridad na kagagawan ito ng Mossad ang spy agency ng Israel na siyang nakapasok sa mga communication system ng Lebanon.
Dahil na rin sa insidente ay magpupulong ang 15-member ng United Nations security council para talakayin ang naturang pangyayari.