-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tiniyak ng Davao City Police Office na hindi na mauulit ang pagsabog ng mga eksplosibo sa loob ng kanilang stockroom noong Semana Santa.

Una ng itinanggi ni Col. Alexander Tagum, director ng Davao City PNP na vintage bomb ang mga sumabog, dahil mga ebidensya raw sa kaso ng Maute-ISIS terrorist group ang sanhi ng insidente.

Batay sa ulat, nangyari ang pagsabog sa loob ng Technical Support Platoon, EOD/K9 Unit.

Agad namang nakalikas ang mga residente na malapit sa pinangyarihan ng pagsabog dahil sinundan ito ng sunog.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa insidente.