-- Advertisements --

Sugatan ang hindi bababa sa labing siyam na indibidwal makaraang sumabog ang mga paputok sa Zamboanga City

Batay sa tala ng mga kinauukulan , sa nasabing bilang , aabot sa lima na uniformed personel ang nasa krikitrikal na kunsdisyon habang 14 naman ang sugatan.

Ang naturang ulat ay kinumpirma ng Zamboanga City Police Office .

Kabilang sa mga sugatan ay anim na pulis, 3 PCG , 5 BFP at 5 Philippine Marines.

Patuloy naman ang mahigpit na monitoring ng mga kinauukulan sa limang malubhang nasugatan sa insidente.

Ang mga biktima ay magkakasama para sa disposal procedure ng iba’t ibang paputok.

Sa di inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang ito sumabog dahilan ng pagkakasugat ng mga ito.

Maliban sa mga sugatan ay tatlong sasakyan rin ang napinsala ng pagsabog.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung ilang halaga ang buong pinsala nito.