-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Ipinag-utos na sa ngayon ang malalimang imbestigasyon sa pagsabog ng KRI Nanggala 402 submarine ng Indonesia na ikinamatay ng 53 mga crew members ng mula sa Indonesian navy.

Ito ang inihayag ni Bombo International Correspondent Pastor Jerson Labadia, isang missionary na nakapag-asawa ng isang Indonesian at 13 nang naninirahan sa nabanggit na bansa.

Ayon kay Pastor Labadia, malaking kawalan din sa Indonesian government ang pagkasira ng submarine dahil ito ang isa sa mga assets ng gobyerno.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay si Indonesian President Joko Widodo sa pamilya ng 53 mga namatay na opisyal at mga crew members ng Naggala KRI 402 submarine.

Napag-alaman na ang nasabing submarine ang pinakamabilis sa dalawang submarines na pagmamay-ari ng bansang Indonesia na nasa 44 na taong gulang na.

Matatandaan na nakita ang KRI Nanggala-402 submarine na lumulutang ng dalawang milya mula sa Bali Strait kung saan nahati sa tatlong bahagi ang submarine sa may lalim na 850 meters.