-- Advertisements --

Idineklara ng Liverpool police na isang uri ng terror act ang nangyaring pagsabog ng taxi sa labas ng Women’s Hospital.

Sinabi ni Liverpool Mayor Joanne Anderson na itinuturing na isang bayani ang driver ng taxi na si David Perry matapos na isinara ang pinto at hindi nakalabas ang suspek.

Dahil sa pangyayari ay nasawi ang suspek na naiwan sa loob ng sumabog na taxi habang sugatan naman ang taxi driver.

Magugunitang apat na kalalakihan na rin ang naaresto ng mga otoridad dahil sa ginawa nilang terorismo.

Base sa imbestigasyon ni Counter Terrorism Policing North West head Russ Jackson na maaaring gawa sa improvised na bomba ang sumabog.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng nasabing suspek sa insidente.