CENTRAL MINDANAO – Ipinag-utos ngayon ni Cotabato City Mayor Atty Cynthia Guiani Sayadi ang malalimang imbestigasyon sa pagsabog at sunod-sunod na pamamaril sa syudad.
Pinakahuli nito ang pamamaril-patay sa isang negosyante na si Bonbon Padlan at pagkasugat ng kanyang kasama na si Joven Dapat na area supervisor ng SMB.
Kabilang sa napatay sa naturang insidente ay si S/Sgt. Levi Verande Lardera na nakatalaga sa Military Intelligence Battalion (MIB) ng 37th Infantry Battalion Phil. Army.
Gayundin ang pagpapatay sa dalawang mga tauhan ng PNP City Mobile Force Company.
At ang panghahagis ng granada sa tahanan ng isang Rudy Pagay at iba pa.
Hinamon naman ni Sayadi ang pulisya na gumawa ng hakbang para labanan ang banta ng seguridad sa taongbayan.
Dahil dito nangako si Mayor Sayadi na palalakasin nila ang ronda patrol sa syudad na sya mismo ang nangunguna kasama ang pulisya at militar.