CENTRAL MINDANAO-Personal na alitan o silos sa trabaho ang natatanaw ng mga otoridad sa pagpapasabog ng granada sa gilid ng tahanan ng isang Inhinyero sa lungsod ng Cotabato.
Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Richard Fiesta na dalawang hindi kilalang suspek na lulan ng motorsiklo ang naghagis ng granada sa tahanan ni Engineer Sukarno Sulaik sa bahagi ng Block 3 Lot 20 San Pablo Village Barangay Rosary Heights 11 sa syudad.
Mabilis na tumakas ang mga suspek papasok sa liblib na lugar ng lungsod.
Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.
Marami ang naniniwala na posibling may kinalaman sa trabaho ni Engr Sulaik na kawani ng Ministry of Public Works and Highway ng Maguindanao First District , Engineering Office ang motibo sa panghahagis ng granada sa kanyang tahanan.
Sa ngayon ay may mga person of interest nang iniimbestigahan ang Cotabato City PNP sa naturang pangyayari.