(Update) CENTRAL MINDANAO – Galit at kinondena ni Cotabato City Mayor Atty Cynthia Guiani Sayadi ang magkasunod na pagsabog sa lungsod.
Ayon sa alkalde siyam na mga tauhan ng 5th Special Forces Battalion ng Philippine Army at pitong sibilyan ang nasugatan.
Unang sumabog ang dalawang bomba malapit sa Immaculate Conception Cathedral sa gilid ng isang himpilan ng radyo sa Cotabato City.
Nang magresponde ang EOD team kusa nilang pinasabog ang dalawa pang bomba at isa ang na-defuse.
Ang mga pagsabog ay naganap kasabay ng misa sa loob ng Immaculate Conception Catheral kaya nagdulot ito ng takot sa mga deboto at parishioners.
Sinabi ni Mayor Sayadi na ang mga pagsabog sa lungsod ay “kagagawan ng mga taong ayaw ng kapayapaan, walang puso at mga demonyo.”
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa Cotabato City.
“Our entry and exit points are now open. But checkpoints will be strict so we are asking everyone for their patience and understanding. Para po sa kaligtasan natin ang paghihigpit ng ating mga otoridad sa mga checkpoints,” ani Mayor Sayadi sa kanyang FB statement. “Pinapakiusap lamang din po na kung maaari ay ipagbigay alam agad sa inyong mga barangay kung mayroon man kayong makikitang kahina hinalang mga tao o grupo sa inyong lugar. Maraming salamat po. Keep safe, Cotabato City.”