-- Advertisements --

Nakuhanan ng video ang nangyaring pagsabog sa isang mall sa Taiwan na kumitil sa 5 katao habang sugatan ang 7 iba pa.

Nangyari ang pinaghihinalaang gas explosion sa food court na nasa ika-12 palapag ng Shin Kong Mitsukoshi mall sa Taichung, Taiwan dakong 11:30 ng umaga ngayong Huwebes, Pebrero 13.

Isinasailalim sa konstruksiyon ang naturang food court at nakasara ito ng mangyari ang insidente, ayon sa National Fire Agency.

Nanawagan naman si Taiwan President Lai Ching-te para sa mabilis na imbestigasyon sa dahilan ng pagsabog.