-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na pananakot lamang ang nangyaring pagsabog sa lalawigan ng Maguindanao.
Sumabog ang isang Improvised Explosive Divice (IED) na gawa sa mga pako,pulbura,blasting cap at ibang sangkap sa KM-12 Sitio Tenorio Brgy Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.
Ang pinagsabugan ng bomba ay isang kilometro lamang ang layo sa Awang Airport at 6th ID Headquarters.
Sinabi ni Datu Odin Sinsuat Defuty Chief of Police,Captain Faisal na nakipag-ugnayan na sila sa militar sa pinagsamang imbestigasyon sa pagsabog.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa lalawigan ng Maguindanao.