Posibleng masundan pa ng karagdagang mga pagsabog sa Bulkang Kanlaon na matatagpuan sa Negros island matapos ang pag-alburuto nitong Lunes, Mayo 3.
Kagabi dakong ala-8 nang itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang volcano alert sa Kanlaon mula sa Alert Level 1 sa Alert level 2.
Inaasahan din ng ahensiya ang karagdagang explosive eruptions kabilang ang mapanganib na magmatic eruption.
Naitala rin ang phreatic o steam-driven eruption sa summit ng Kanlaon dakong 6:51 p.m. kagabi na nagtagal ng 6 na minuto at nagbuga ng 5,000 myero na taas ng ininiuga nitong plume o makapal na usok.
Nakatanggap din ang bureau ng mga ulat ng ashfall at sulfurous odors saugar na nasa western slopes ng bulkan.
Kaugnay nito, sa ilalim ng alert level 2 pinapayuhan ang publiko. A iwasan ang four kilometer-radius Permanent Danger Zone sa paligid ng Kanlaon.
Sakaling magkaroon ng aahfall, ianbisuhan ang tao na magtakip ng ilong at bunganga ng basang tela o dust mask.
Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng mga sasakyang himpapawid malapit sa summit ng bulkan dahil sa posibleng biglaang pagsabog