-- Advertisements --

Pinabulaanan ng aktres at malapit na kaibigan ng Pamilya Garcia ang mga una nang lumabas na balitang isasaboy umano ang mga abo ng batikang aktor na si Eddie Garcia sa Manila Bay.

Ayon sa aktres, biruan lamang umano ito sa pagitan ng magkakaibigan noong nabubuhay pa si Manoy. Aniya, sa ngayon ay isinasaayos na ng pamilya Garcia ang lote kung saan ihihimlay ang abo ng aktor.

Kwento rin ni Bibeth na noong nabubuhay pa si Manoy ay nagkaroon ito ng kasunduan kasama ang ama ni Lilibeth Romero na si Mike Romero na ipapatong ang kaniyang labi sa kaniyang kaibigan.

Narito ang tinig ni Bibeth Orteza.