-- Advertisements --
Dan Trejo
Danny Trejo/ IG post

Hinangaan ng maraming mga fans ang ginawang kabayanihan ng Hollywood actor Danny Trejo ng iligtas niya ang isang sanggol na nasangkot sa aksidente.

Ayon sa actor, nadaanan niya ang banggaan sa Los Angeles kung saan bumaligtad ang kotse na may sakay na babae at sanggol.

Sa tulong rin ng isang babae na nasa lugar ay nagtulungan sila para mailabas ang sanggol.

Kuwento ng babaeng tumulong din na si Monica Jackson, sinubukang gumapang ng 75-anyos na actor para makuha ang sanggol.
Agad na itinakbo sa pagamutan ang mga biktima na nagtamo ng sugat.

Sa kaniyang Instagram account, nanawagan ang “Machete” actor sa nagmamaneho ng sasakyan na bigyang atensiyon ang kanilang pagmamaneho.