-- Advertisements --
Bong Go and Duterte

Binigyang diin ngayon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walanga numang sintoma ng coronavirus disease (COVID-19) ang Pangulong Rodrido Duterte.

Ayon kay Panelo ang gagawing hakbang ng Presidente na sumailalim sa COVID test kasama si Sen. Bong Go ay bahagi rin ng payo sa kanilang ng mga health experts lalo na at regular silang nakikipagpulong sa iba’t ibang personalidad.

“While PRRD and Senator Go do not have the symptoms of the virus, they have opted to undergo the test to ensure that they are fit and healthy to perform their duties as government workers,” ani Panelo. “They are undertaking this pre-emptive step as per advice of health officials given that they have regularly engaged with Cabinet officials, some of whom have opted to undergo self-quarantine as they were exposed to those infected with #COVID19.”

Una rito kinumpirma ni Sen. Go na sasailalim sa coronavirus disease testing ang Pangulong Duterte.

Sinabi ng dating aide ito raw ang napagpasyahan ng Pangulo matapos na ianunsiyo ng ilang mga cabinet members na sasailalim sila sa self-quarantine makaraang makasalamuha ang mga nagpositibo sa COVID-19.

Ayon pa sa senador, sasailalim sila sa pagsusuri para matiyak na sila ay “fit and healthy” na makasalamuha ng publiko.

“We are doing this to ensure that we are fit and healthy to engage the public and perform our duties in the coming days and weeks. As always, the President and I remain ready to serve and die for the Filipino people,” wika pa ni Go sa statement.

Inanunsiyo rin ng Presidential Security Group na temporaryong isasara ang MalacaƱang ngayong araw para sa gagawing pag-disinfect laban sa virus.

Nauna rito kinumpirma nina Finance Secretary Carlos Dominguez, DOTr Art Tugade at Senators Nancy Binay at Sherwin Gatchalian na sila ay magpapa-self quarantine matapos na ang taong nakasalamuha nila ay nagpositibo sa COVID-19.

Habang si Manila City Mayor Isko Moreno ay nagpa-self quarantine rin pagkagaling nito sa United Kingdom.