ROXAS CITY – Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ang pagsailalim sa state of calamity sa lalawigan ng Capiz dala ng malawakang epekto ng African Swine Fever (ASF).
Ito ang kinumpirma ni Board Member Jonathan Besa, Chairman of Committee on Appropriations ng makapanayam ng Bombo Radyo Roxas.
Sinabi ni Besa, na inaprubahan ng SP ang rekomendasyon ng Provincial Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na ipasailalim na sa state of calamity ang lalawigan.
Base sa report ng Provincial Veterinary Office, sa loob nga 473 na kabarangayan, umabot na sa 242 na barangay ang apektado ng naturang sakit.
Dahil ditto, maari ng galawin ang P32,600,000 o 30% na quick respond fund (QRF) sa P108, 871, 000 na alokasyon para sa calamity fund ngayong taon.
Dagdag pa ni Besa, na nakadepende pa kay Governor Fredenil Castro kung sa anong pamamaraan maibibigay ang tulog, katulad ng pagbibigay ng financial assistance o ang suhestyon na rehabilitation program upang makasimula uli ang mga hog raisers.