-- Advertisements --

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang biro lamang ang naging pangako nito sa halalan na sasakay siya sa jets ski at hamunin ang mga China na sumasakop sa karagatan ng Pilipinas.

Sa kaniyang national address nitong Lunes ng gabi na isang biro lamang dahil sa panahon ng kampanya.

Bilang dagdaga pa aniya ang kaniyang pagbibiro ay sinabi nito na nakabili siya ng second-hand na jet ski subalit hindi pa dumating ang mga spare parts nito at walang gasolinahan sa gitna ng dagat kapag ito ay naubusan ng gasolina.

Dagdag pa ng pangulo na hindi rin ito marunong lumangoy at pagnagkataon ay malamang ito ay patay na.

Magugunitang isa ang pagsakay ng jet ski at pagtungo sa Spratly island sa West Philippine Sea para magtayo ng bandila ng Pilipinas ang naging pangako ni Duterte noong ito ay nangangampanya sa 2016 election.