Napipinto na rin umano ang pagsakop ng Russian forces sa second-largest nuclear facility sa Ukraine.
Iniulat ngayon ni US Ambassador to the United Nations Linda Thomas-Greenfield na nasa 20 milya na lamang ang layo ng Russian troops sa pasilidad na tinaguriang Yuzhnoukrainsk Nuclear Power Station na nasa Mykolaiv Oblast, sa southern Ukraine.
Muling nanawagan ang ambassador kay President Putin na dapat pigilan na ang humanitarian catastrophe sa pamamagitan ng pagtigil sa giyera.
Una rito, naglabas ang Ukrainian authorities ng video sa loob ng control room sa Zaporizhzhia nuclear power station na naunang inatake ng Russian troops dahil nagpagkamalan daw.
Makikita sa sa video ang loob ng control room at sumisigaw ang announcement sa public address system na tigilan ng Russian forces ang pamamaril at pag-atake dahil napakadelikado ng kanilang ginagawa at baka maging mitsa ito ng matinding kalamidad para sa buong mundo.