-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Itinuturing na pang-ha-harass at pagpapakita ng pwersa ang ginagawa sa ngayon ng China sa bansang Taiwan matapos ang nakitang pagsalakay ng halos 40 fighter jets nito sa air space ng nabanggit na bansa.
Ito ang ipinaabot sa Bombo Radyo Koronadal ni Bombo international correspondent Lhet Leano Paraico na nagtatrabaho sa Taiwan at tubong lungsod ng Koronadal.
Ayon kay Paraico, kahit na magpapatuloy ang panghah-arass ng China sa Taiwan ay hindi umano matitinag ang mga Taiwanese at gobyerno nito sa halip ay lalaban sila upang hindi masakop ang kanilang teritoryo.
Matapang umanong lalaban ang Taiwanese government sa anumang gagawing hakbang ng China dahil ayaw nilang sakupin sila at muling sasailalim sa mga ito.